Noong ika-17 ng Pebrero 2017, namasyal kami sa Bataan. Ang ang araw na ito ay kung kailan magkakaroon ng field trip ang aking paaralan. May apat na sasali sa aming seksyon, ngunit hindi ako nakasali. Nagkataaon nalang naisipan ng aking tita na pumunta sa Bataan para sa aming family outing. Sa van ng tita namin kami sumakay papunta sa Bataan at ang aming unang destinasyon ang Pilar, Mt. Samat. Mahaba-haba ang byahe at nang ako'y nagising mula sa pagkaiglip, nasulyapan ko ang tila isang krus na nakatayo sa Mt. Samat. Ito ang Dambana ng Kagitingan na una naming pupuntahan. Naglakad kami papunta sa krus na ito dahil nga sa bundok ito nakatalaga.
zoeyanni198
3 chapters
16 Apr 2020
February 17, 2017
|
Mt. Samat National Shrine - Dambana ng Kagitingan
Noong ika-17 ng Pebrero 2017, namasyal kami sa Bataan. Ang ang araw na ito ay kung kailan magkakaroon ng field trip ang aking paaralan. May apat na sasali sa aming seksyon, ngunit hindi ako nakasali. Nagkataaon nalang naisipan ng aking tita na pumunta sa Bataan para sa aming family outing. Sa van ng tita namin kami sumakay papunta sa Bataan at ang aming unang destinasyon ang Pilar, Mt. Samat. Mahaba-haba ang byahe at nang ako'y nagising mula sa pagkaiglip, nasulyapan ko ang tila isang krus na nakatayo sa Mt. Samat. Ito ang Dambana ng Kagitingan na una naming pupuntahan. Naglakad kami papunta sa krus na ito dahil nga sa bundok ito nakatalaga.
Napakarilag nito nang makita ko ng malapitan. Maraming mga turista at mayroon itong mga katabing mga pahingahan at kainan. Nagbayad kami ng Php 20.00 each para sa pass sa loob nito. Napansin na tila may mga disenyong sculptures ito na sabi ng isang turista, ay nagsisisilbing mga pangyayari mula sa World War II at sumisimbolo sa USAFFE na dinesenyo ng National Artist na si Napoleon Abueva. Nagkaroon kami ng tour guide sa loob at dito ko nalaman ang iilang mga importanteng impormasyon. Sabi niya na itinayo ang Dambana ng Kagitingan o ang Shrine of Valor bilang parangal sa mga nasawi na mga bayaning Pilipino't Amerikano na lumaban para sa Pilipinas sa malupit na Hapon noong WWII at ang kilalang Bataan Death March noong ika-9 ng Abril 1942. Itinayo ito noong panahon ni Ferdinand Marcos noong 1966 na may tangkad na 73,665-hectare. Napakaganda nang makita ko ang loob, walang pinagkaiba sa labas nitong kagandahan. Maaari mo pala itong akyatin upang masulyapan ang tanawin sa taas. Mayroong hagdanan at
elevator, at nagbayad kami ng mababang halaga para makasakay sa elevator dahil baka isang taon pa bago kami makapunta sa tuktok ng dambana. Siksikan kaming mga sardinas sa loob ng elevator at may mga turista paring nagagawang kumuha ng mga litrato. Nakarating kami sa tuktok at may cross' junction kung saan namin makikita ang tanawin. Natakot ako nang nakita ito dahil napakataas ng aking distansya mula sa lapag. Kumuha ako ng iilang mga litrato dahil talaga namang napakaganda ng tanawin. May mga fireworks display daw dito kapag gabi at mga festival ngunit hindi namin ito natsempuhan.
Create your own travel blog in one step
Share with friends and family to follow your journey
Easy set up, no technical knowledge needed and unlimited storage!